pero pano mo ipapaliwanag ang "ilang" pulitikong pilipino? mga empleyado ng bir? mga pulis ng mmda? si tito sotto? si eddie gil? si carlo j. caparas? si lito camo? hindi ko lang talaga masiguro kung talagang "exceptional" ang mga taong ito at nalalabag ang mga batas ng siyensya at simpleng logic o talagang ibang sukatan lang ang dapat gamitin sa kanila dahil ang tinatawag na "wisdom" na sinasabing kasama sa pagtanda ay parang hindi nag aapply. ang karamihan pa ay nasa tinatawag na respetableng mga posisyon sa pamahalaan. tingnan mo na lang si congressman digs dilangalen.
pagkatapos maudlot ang isang makabagbag damdaming at tila makapatid utak na pagpapahayag sa kongreso halos isang linggo nang nakalilipas, ay bigla syang sumabog sa mas nakaririnding pagtatalak na tila isang batang nasa kainitan ng kanyang pag-aalboroto. ang naturang dahilan pala ng kanyang pag iinarte ay ang isang mensaheng pinadala sa kanya ng isang mag-ina na nanonood mula sa "gallery section." ang nakasulat sa mensahe: shut-up.

unang pumasok sa kamalayan ko si representative dilangalen noong panahon ng "impeachment case" laban kay dating presidente erap estrada. marahil dito rin syang nagsimulang magkaroon ng "national prominence." kaya nga, pagkatapos ng apat na taon ay napag isip isip nyang tumakbong senador. yun nga lang, kahit paano ay pinagpapala pa rin ang pilipinas at natalo sya. at dahil siguro hindi pa masyadong nahihimasmasan ay parating naghahanap ng oportunidad para ibuhos ang sama ng loob. hanggang dumating ang araw ng nasabing deliberasyon sa kongreso.
sabi nga sa editorial ng philippine daily inquirer nung sabado, alam mo na na tapos na nga ang panahon ng eleksyon. pag napalitan na ng ngiwi ang mga pilit na tawa ng mga kandidatong talunan, lumalabas na ang tunay nilang mga kulay.
noong linggo ay napanood ko si eddie gil na kumakanta't sumasayaw sa isang noontime show kasama ang mga ilang mga tinaguriang "teenage matinee idols." hindi naman sa sinasabing may masama rito pero mapapaisip ka lang kung ganoo kalalim ang samahan ng pilipinong "showbiz" at politika.