x
palelips
ang problema kay alex magno; at sa mga mabilis maniwala kay "gi joe"
may poll question sa inqtv na nabasa ko sa inquirer kagabi: bihag na sundalo ng npa: ano ang pinagkaiba kay "angelo de la cruz?"

kagabi napalabas din sa balita na malaya na nga (pagkatapos ng 15 araw) si angelo de la cruz pagkatapos mag pull out ang mga natitirang "humanitarian" contingent sa iraq kaya marahil, ang "subject" na ito ay hindi na relevant. pero ilalagay ko na rin dito dahil kahit sa isang maikling sandali kagabi ay napaisip din ako. oo nga. eto na nga e...

ang sagot ay hinihingi sa paraan ng txt message kaya madali kong kinuha ang cellphone ko at nagsimulang pumitik ang hinlalaki (bakit ba parang nakakatawa pag mag tatagalog ka ng ganito?). natural, sa limitadong karakter ng isang text message, hindi magiging risonable ang isang mahabang, err, diskurso. at sa puntong dyan papasok ang punto ng blog na ito. dahil dito ko ilalagay ang aking kumpletong sagot.

ang pagkakaiba, si angelo dela cruz ay isang sibilyan na naging bihag ng isang grupong iraqi na marahil, ay pwede mong ibintang, sa isa sa mga umusbong na krisis mula sa nangyaring kwestyonableng paggera ng pamahalaang bush sa bayan ng iraq. samantala, ang maging bihag ay isa na sa mga kasamang "work hazards" sa pagiging militar, bunga na rin sa natural nitong tunggali sa npa, at ibang pang kontra estadong grupo. ang kwestyon ng tunggali ng npa, o kahit ano pang politikal na grupo na may armadong anyo, at gobyerno ay isa nang matagal na domestikong krisis na nakaugat sa kasaysayan, ito ay iba pang mahabang usapin.

ang pagkakaiba ay hindi, katulad ng argumento ng ilan, na dahil si angelo dela cruz ay naging bihag ng dayuhang (o "imported")terrorista, at ang ating kawawang sundalo ay naging bihag ng "local" na npa lang. o kahit pa kung ikumpara natin sa mga naging bihag ng teroristang abu sayyaf. hindi ito isang kaso ng "colonial mentality." ni hindi rin ito kaso ng "pagkonsinte" o "pagsunod" sa terorista. malinaw sa ibang tao tulad ni alex magno na hindi dapat nagbibigay sa mga "terms" na nilalatag ng "terorista." at hindi nila maintindihan kung bakit laging nasasambit ang "amerikanong gera sa iraq" sa mga argumento tungkol sa katatapos lang na krisis.

pwedeng sila ay nagbibingi bingihan o talagang bingi lang talaga sa rason.
para sa kanila, sina alex magno, john howard, jay leno at kahit sino pang tagapalakpak ni george w. bush, ang usapin ay kasing simple ng pagpayag sa demanda ng terorista o hindi.

ang naging krisis ni angelo dela cruz, sa tingin ko, ay kailangang intindihin sa isang mas malalim na konteksto. sa paraang sinusuri ang mga naging karanasan ng bansang iraq at nang kanyang mamamayan(1). at marahil ay di dapat tayo madali sa pagbibigay ng bansag na terorista. sa mga mata ni bush, tila lahat ng mamamayan sa mundo, partikular sa middle east, na di nya kasangkapan sa dominasyon ay nagiging terorista. at yun ang pilit na pinapamukha nya sa kanyang pinagmamalaking "coalition of the willing."

==========

sa episode kagabi ng "bida si mister, bida si misis", (oo na, oo na...) nabanggit ng kontrabida ng gabing yon ang linyang, at pinaparaphrase ko to, "matatalo ka, dahil mahina ka, mahina ka dahil nagmamahal ka..." naisip ko lang na pawang me "subliminal message" ang episode na ito na may kinalaman sa naging sitwasyon sa iraq, at sa naging opinyon ng gobyernong kano... sa isang banda din, baka nagpapaka hibang lang ako.

==========

at kanina ay medyo nahibang din ako ng mabasa ko tong makabuluhang kritiko sa pelikulang before sunset.
 
Calendar

November 2009
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930

September 2006
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

March 2006
1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031


Older

Recent Visitors

May 8th
google

May 7th
google

May 6th
google

May 5th
google

May 4th
google

May 3rd
google

May 2nd
google

May 1st
google

April 30th
google

April 25th
google

April 24th
google

April 23rd
google

April 22nd
google

April 21st
google

April 20th
google
Friends