hindi mahirap makasimpatya sa mga nararamdaman ng mga nakatatandang boses tungkol sa palala ng palalang kondisyon ng lokal na politika...
ang lahat ay isang talamak na palabas at kasing kapal at tigas ng aspalto pag naglalakad ka na nakayapak sa ilalim ng init sa makati avenue ang mga mukha ng mga nagpriprisintang mga "public servants." at hindi pa kasama dun ang foundation na kung titingnan ang mukha ni jinggoy ay parang standard na rin ang mag apply ng sobra sobra hanggang parang lumulobong monay na ang mukha. ang pagbitaw ng makabagbag damidaming at akala mo ay matalinhaggang salita ay parang laro na lang sa mga ugok... basta may "masa", "bayan", "hirap", "api", at kung ano ano pang kolektibong pangalan para makahugot ng simpatya sa mga pinakasisintang mga botante.
ang mas masaklap pa ay binibili pa rin ito ng "nadisilusyong" na atang "masa." bakit kasama ng listahan ng nangungunang 24 sa survey ang mga pangalan ni enrile? jamby madrigal? jinggoy? malaking factor ba ang pagsayaw ng sexbomb? o ang paglabas ni judy ann kasabay ang isang "rap" na jingle? o ang bendisyon ng putrages na ama? siguro nga... ang buhay ay parang pelikula at ano pa ang magiging mas epektibong mga tagapamuno sa pamahalaan kundi ang mga "showbiz types." kung dati rati ay pampadagdag lang ng sundot sa mga kampanya ng mga kandidato ang paglabas ng mga taong showbiz ngayon ay... tila ang buong kampanya ay ang palabas! hoooooohhhh... di na mahalaga kung may sustansya, basta ang mahalaga ay nakakatuwa...
higit sa isang linggo na rin pala akong umuuwi sa mandaluyong, at napansin ko, pagpapasok ako ang sinasakyan ko ay crossing ilalim... ngunit pagpauwi ay crossing ibabaw dapat... hindi madaling kalimutan... crossing ibabaw, crossing ilalim, gumuguhit ng parisukat... sa dulo ng shaw boulevard. rock2metal, toyota, ford sa may edsa... UFO,jollibee, binggo, globe telecoms, dunkin donut, pasig palenke...
palelips
Calendar
Recent Visitors
Friends