x
palelips
mula trabajo hanggang kalayaan
nakikinig sa unang araw ng sugarfree.
naalala ko na dati kong kaopisina si ebe (sa isang kompanya sa may kalayaan ave. sa q.c.) at naisip ko nung nagpeplaystation kami at bigla syang babanat ng "acebedo optikal, acebedo optikal, acebedo optikal" sa isang mapanglait na paggaya sa popular na komersyal sa radyo. pagtingin ko sa labas napansin kong unti unti nang dumidilim sa labas. nagsulputan na ang ibat ibang kislap ng liwanag sa malaking bahagi ng metro manila na parang mga kabute at nagsisilbing hudyat sa isa na namang pag usad ng panahon.

me balitang transport strike kaninang umaga at ang iba ay kinakabahan at baka mahirapan sa pagpasok. pero hindi ako. dahil may sinasakyan akong shuttle mula sa sampaloc papuntang makati at marahil ang mga "shuttle" operators na ito ay di nagiging kasapi sa anumang transport group dito sa maynila. ang nangyari pa nga ay, kahit medyo huli na ako bumangon ay maaga pa rin akong dumating sa opisina.

di parating ganito. dati rati'y sa trabajo ako sasakay papuntang mrt. tinigil ko dahil masyadong matagal ang byahe papuntang edsa at minsan ay mabigat ang trapik sa quezon avenue. bukod pa na pagdating mo sa mrt station ay may mahaba kang pila na proproblemahin.

ang una kong inasikaso ay ang magayos ng mga mp3 na unti unti ko nang naiipon sa hard disk ko(simula pa nung makabili na rin ako ng earphone extension para tapusin na rin ang pagkadepende ko sa mga sounds ng ka-opismeyt ko). sa ngayon, meron na kong blink 182, avril lavigne, boxcar racer... at siempre, sugarfree, eraserheads, gary granada, etc. etc.


nakikinig sa boys of summer ng the ataris.
kinuha ko ang "dutch treat" na tsokoleyt na nabili ko sa 7-eleven, binuksan ang foil at nilapag sa harapan. paunti-unti kong tinuklap ang mga piraso nito at nilagay sa bibig ko. naisip ko ang pangalan nito at minsan ay nabigyan na akong ng magandang rason kung bakit ang salitang ito ay nagkaroon ng "di masyadong positibong kahulugan." isa-isa nang umuwi ang mga opismeyt ko at alam kong dapat na rin akong sumunod. iniisip ko lang ung mga kailangan at gusto kong gawin para bukas. malapit nang matapos ang revision ng storyboard para sa isang flash intro ko. at kanina ay may mga pumapasok na idea sa isip ko para sa isang design ng websayt.

kumuha ako ng isang book quiz at hindi ko gusto yung naging resulta. hindi. gusto ko ung analysis, oo, pero hindi ako pamilyar dun sa sinasabi nyang libro. ang tinatarget ko pa naman ay ang "catcher in the rye" ni j.d. salinger. hmph.
 
Calendar

November 2009
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930

September 2006
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

March 2006
1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031


Older

Recent Visitors

May 8th
google

May 7th
google

May 6th
google

May 5th
google

May 4th
google

May 3rd
google

May 2nd
google

May 1st
google

April 30th
google

April 25th
google

April 24th
google

April 23rd
google

April 22nd
google

April 21st
google

April 20th
google
Friends