x
palelips
sa pandaigdigang araw ng kababaihan
bumili ako sa 7-eleven ng isang tsokoleyt bar na may nakatatak na energy, sa tingin ko kasi ay kakailanganin ko ito ngayong araw dahil di ako halos nakapagtrabaho noong biernes. nakalagay din dito ang katagang "rich chocolate" na naisip ko ay mas maganda kung ang ibig sabihin nito ay ang tsokoleyt na lasang kape. gagawin kong snack 'to habang nagtratrabaho para di ako tatamarin o aantukin. yun nga lang ay napagastos ako ng 50 pesos para lang sa simpleng "snack" dahil bumili na rin ako ng maliit na pineapple juice.

habang nagtatayp ako nito ay bigla akong na-notify na may bago akong comment sa isang nauna kong "blog." ang subject ng comment ay "eat shit" na inaassume ko ay isang suggestion para gawin ko pero pagkatapos ng ilang minutong pagiisip ay natanto ko na di bale na lang. ang mensahe ng comment nya ay "ditto" na pagkatapos ng isang konsultasyon sa webster ay ibig sabihin pala ay inuulit lang ang kanyang unang sinabi. aha! so naisip nya na tatanggi ako sa unang suggestion nya kaya inulit nya ulit. hmm, napakatalino naman ng nilalang na 'to... ho-hum.

kaya ayun. pagdating ko sa opisina ay nilagay ko kaagad sa ref ang tsokoleyt para mas magandang kainin para mamaya. at sa puntong ito ay bigla kong naalala na ang blog nga palang ito ay dapat sana para sa okasyon ng IWD o internastional women's day na sa tingin ko, datapwa't malawakang nirerecognize at inoobserbahan mula noong makasaysayang pagkilos ng mga kababaihan noong kaagahan ng 1900s, ay di pa rin ganap ang "emacipation" ng kababaihan. oo nga at nagkaroon ng ilang mga tagumpay ang kababaihan(mga karapatan pang politikal, kultural, atbp.) bilang isang kasarian pero ang malaking porsyento ng ating lipunan ay binabalot pa rin ng dominanteng patriyarkal na pag iisip at ang mga tagumpay na sinasabing naipanalo ng mga abanteng myembro ng kababaihan ay nag mumukhang mga "pakonswelo" lang na ibinibigay ng isang lipunan na handang makipag kompromiso sa nagbabagong panahon pero hindi makapapayag na bumitaw sa nakasanayan na kaayusan. nagmumukhang "pakonswelo" na para bang ang mga karapatang yun ay naging ganap lang dahil sa "inapprove" ng patriyarkal na kaayusan dahil pinahahalagahan nila ang pagka-"gentleman" at hindi dahil sa ang mga karapatang ito ay ganap naman talaga sa kanila bilang myembro ng sangkatauhan.
 
Calendar

November 2009
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930

September 2006
12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

March 2006
1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031


Older

Recent Visitors

May 8th
google

May 7th
google

May 6th
google

May 5th
google

May 4th
google

May 3rd
google

May 2nd
google

May 1st
google

April 30th
google

April 25th
google

April 24th
google

April 23rd
google

April 22nd
google

April 21st
google

April 20th
google
Friends