ang hawak ko sa mga kamay ko ngayon ay isang dokumento galing sa kaibigan kong researcher para sa greenpeace. ang dokumentong ito ay tungkol sa GMO o Genetically Modified Organisms, mga "di natural na uri ng halaman o hayop na hinaluan ng ibang lahi sa pamamagitan ng genetic engineering...". kung papaniwalaan mo ang laman ng dokumento madidiskobre mo na marahil ay matagal na tayong kumukunsumo ng pagkaing GMO na wala tayong kamalay malay. me listahang "prinovide" ang greenpeace tungkol sa mga produktong napatunayang me sangkap na GMO, mula sa pagkaing pangsanggol hanggang sa mga processed meats at kung ano pa.
taong 2001 nang nangako si GMA na "hindi nya hayaang pag-eksperimentuhan ang ating bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng GMO." marahil dapat ko ding bangitin na ang una nagiging bagsakan ng mga produktong GMO ay ang mga "third world countries," na wala namang pinagkaiba sa matagal ng gawain ng mga aroganteng "first world governments": na gawing "guinea pigs" ang mga maliliit na bansa. sinabi rin nya (GMA), "na kailangan maglabas ng kautusan hinggil sa pagtatatak ng mga produktong merong GMO." at ngayon, halos 3 taon na ang nakalilipas mula noon at tila wala pa ring ebidensya na me ginagawa nga ang pamahalaang arroyo tungkol dito. anupa't panahon ng kampanya ngayon. o ano pa bang maaasahan mo sa isang pangulong di marunong magpahalaga sa kanyang mga binitiwang salita?
related links
greenpeace
GMA
palelips
Calendar
Recent Visitors
Friends