EXT. STREET. GABI
(makikita sa tabi ng kalsada sina christine at mike na tila nagaabang ng masasakyan)
CHRISTINE: pede mo na'kong hindi ihatid. ok lang sa'kin.
MIKE: hmmm... (matitigilan)
pero obviously...
CHRISTINE: sinasabi ko lang naman sa'yo na ok lang.
MIKE: well... inooblige ko sarili ko na ihatid ka.
CHRISTINE: bakit? dahil babae ako?
MIKE: hindi
CHRISTINE: dahil responsable ka sa'kin?
MIKE: hindi... hindi to isyu ng gender...
it's beyond that...
CHRISTINE: so what's beyond that?
MIKE: mahabang usapan pa yan eh...
(me hihintong taxi sa harap nila at pagbubuksan ni mike ng pinto si christine, pagkatapos ng ilang instruksyon sa driver ay pareho silang makakasakay)
CHRISTINE: e pede mo namang unti-untiin...
MIKE: hmmm...(long pause)
malaking isyu ba talaga sa'yo un?
CHRISTINE: hindi kasi ayoko ung ginagawa mo yan dahil napipilitan ka lang, kaya sinasabi ko ok lang.
MIKE: hindi ako napipilitan. dinidiktahan lang ako ng code of conduct ko.
CHRISTINE: Oh see!
MIKE: hmmm... ok. of course at the same time gusto ko din! Siempre hindi naman ako gagawa ng isang bagay na di ko naman talaga gusto e.
CHRISTINE: ayoko lang kasi ung parang nagiging obligasyon pa ko...
MIKE: hindi ka pa ba naniniwala sa sinabi ko?
CHRISTINE: hindi naman porke't sinabi na kaagad ng isang tao un na din talaga ung ibig nyang sabihin. minsan, napapatunayan...
MIKE: (overlapping) so ngayon, bukod sa paghatid sa'yo kailangan patunayan na talagang gusto kitang ihatid?
CHRISTINE: hindi. hindi mo na naman kailangan patunayan.
MIKE: (overlapping) parang napakahirap naman yata nun. gusto lang naman kitang ihatid, tapos ngayon, kailangan ko pang patunayan...
CHRISTINE: (overlapping) hindi naman kasi... nasa sagot mo lang naman un dun sa tanong ko, kung bakit mo ko kailangan ihatid
MIKE: Ok. dahil gusto kong ihatid ka.
CHRISTINE: basta sinabi ko sa'yo, kung ayaw mo, ok lang naman sa'kin
MIKE: hindi ka pa ba nakukontento dun? anong gusto mong sabihin ko?... na passionately kong gusto na ihatid...
CHIRSTINE: _________________________________________
hahaha. wonder if i'm ever going to finish this darn script
palelips
Calendar
Recent Visitors
Friends